Postmodernong
Reaksyon
ni Sakura
Ojousama
Pagbabago ay ang tanging hindi
nagbabago. Bilang
isang Biology Major, naniniwala ako na ang pagbabago ay natural lamang.
Evolution, Mutation, Adaptation at marami pang iba ay mga halimbawa ng mga
pagbabagong nagaganap sa kapaligiran mula sa mga halaman patungo sa mga hayop
tulad na lang din ng mga tao.
Opinyon ko lamang ito kaya naman ay ikaw na ang bahala
kung sasangayunan mo o hindi na sa bawat
pagbabagong nagaganap nagkakaroon din ng pag-angat at pagtuto. Hindi na
mahalaga kung naging mabuti o masama ang pagbabago kung naging paraan ito ng
pagkatuto dahil kung hindi nga naging maganda ang kinalabasan ng pagbabago ay
gagawin itong leksyon para sa susunod na henerasyon.
Sa
mga yugto pa lamang ng pisikal na katangian ng bawat tao ay makikita ang
pagbabagong nagaganap na mula sa ipinanganak na sanggol hanggang sa pagkatanda,
isang union ng sperm at egg hanggang sa pag-agnas ng katawang lupa.
Tunay na sa iba’t ibang larangan makikita ang pagbabago
hindi lang sa siyesya at agham pumapasok din ito sa arkitektura, sining,
musika, atbp. Hindi ako dalubhasa sa mga larangang ito ngunit alam ko na ang
pagbabago na nagaganap ngayon sa modernong panahon ay nagiging pagkawala sa
proseso, sa nakagawian o sa mga kadena ng organisasyon ng dating paraan.
Minsa’y
naisip ko na sa impuwensya ni Lady Gaga ay maging halos Hunger Games ang peg ng
“fashion” sa kinabukasan. Nasa una ay hindi tinaggap ng buong puso ngunit
ngayon ay nagsisilabasan na ang mga bagong “style” na di lamang nalilimitahan
sa pananamit ngunit pati na rin sa kulay ng buhok, sa korte ng sapatos, at sa disenyo
at guhit sa iba’t ibang parte ng katawan.
O kaya naman
ay maging"futuristic" ang disenyo ng mga bahay at estraktura tulad na lang ng nakikita sa mga pelikulang animation tulad ng "Meet na Robinsons".
Di naman kaya ay isang mundo kung saan dahil sa walang kaayusan at organisasyon dahil sa paglaban sa postmodernong paraan ay puno ng kaguluhan, basura at kawalan tulad na lang sa mundong naiwan kay Wall-e.
"ENiTiN
g()Wz" nga naman sabi sa Postmoderno. Walang batas na sinusunod, walang
estraktura, walang prosesong kailangan sundin na nagbibigay paraan sa mga tao
na gawin ang lahat ng nanaisin upang mapahayag ang kanilang damdamin o mga
gusto lang ipakita sa mundo.
Robinsons (Meet the Robinsons), Wall-e o Hunger Games man ang kalabasan ng resulta ng postmoderno hindi pa rin mawala sa akin ang pagkasabik na makita ang mga pagbabago ng mangyayari sa mundo. Mga posibilidad lang naman ang mga isinalaysay ko ngunit wala talagang nakakaalam ng kung ano ang patutunguhan ng Postmodernismo.
Nasa kamay natin ngayon ang kinabukasan, nasa pagkatuto, pagbabago, pagbaba o pag-angat ng bawat henerasyon na tungo sa kinabukasang hindi pa sigurado. Tungo sa kinabukasang dinidisenyo ng mga kamay ng kasalukuyan at pinapatatag ng mga kamay ng kasaysayan.
Oy! Hindi mo siguro napansin ang unang mga letra ng bawat talata sa blog na ito ay nakaitalisize (>_<) Bakit kaya?
Hint: Isama rin ang talatang ito